Lalaki na Hinihinalang Nalunod, Narekober sa Naguilian, Isabela!

*Naguilian, Isabela-* Narekober ang isang bangkay ng lalaki na palutang-lutang partikular sa Anipa River Brgy. Roxas, Naguilian, Isabela.

Sa impormasyong nakuha ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), bandang alas otso ng umaga noong Mayo 28, 2019 nang magpaalam sa tatay ang biktima na si Nelson Elgera, 47 anyos, may live-in partner at residente rin ng Brgy Roxas, Naguilian, Isabela na kukuha ng kawayan sa ilog subalit hindi na ito bumalik sa nasabing araw.

Kaugnay nito, pasado ala una ngayong hapon, Mayo 29, 2019 nang mapagdesisyunan ng pamilya ng biktima na hanapin ito hanggang sa natagpuan na lamang ang katawan ng biktima na palutang-lutang sa ilog.


Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa naturang insidente.

Facebook Comments