Marlou Arizala o dating Xander Ford balik Hasht5

Image via Facebook/Hasht5ive

Bumalik na si Marlou Arizala o kilala noon bilang Xander Ford sa pinanggalingang grupo na Hasht5.

Ito ay nakumpirma matapos ilabas ng grupo ang bagong teaser na may caption “Comeback is real! Zander with Hasht5ive.” 

Sa kanyang mga deleted post sa Facebook account, sinabi ni Arizala parang handa na ulit silang magperform. Tila binibiro niya rin ang Hasht5 nang sabihin “the new and original member.”


Iniwanan ni Arizala ang kanyang grupo upang magsolo noong Pebrero 2016. Sumailalim din siya sa pagpaparetoke ng mukha sa tulong ng Star Image Artist Management, na siyang nagbigay sa kanya ng screen name na Xander Ford.

Ngunit nagkaroon ng lamat ang relasyon ni Arizala at Star Image dahil sa mga ginawa nitong hindi kanais-nais. Binawi din ng talent agency ang kanyang screen name at panandaliang sinuspende.

Ayon kay David Cabawatan, may-ari ng Star Image Artist Management, binawi nila ang suspension kay Arizala at muli nilang hahawak ang social media sensation.

Inihayag din ni Cabawatan na ipapakilala nila sa publiko ang bagong Xander Ford ngayong darating na Hulyo. Sa Mayo 4, 2022 pa mage-expire ang kontrata ni Arizala sa Star Image Artist Management.

Facebook Comments