Lalaki na Hinihinalang Nalunod sa Brgy. Sto. Tomas sa Ilagan, Pinaghahanap

115

*Cauayan City, Isabela*- Patuloy na pinaghahanap ang isang lalaki matapos magtungo sa kanilang binahang bahay sa Brgy. Sto. Tomas, Ilagan City, Isabela.


Kinilala ang biktima na si Hilario Bersamin, 63 anyos, may asawa at residente sa nasabing lugar.

Ayon kay Barangay Kapitan Shalee Claro ng Sto. Tomas, nagtungo ang biktima sa kanyang mga pananim na mais kung saan ay may kubol ito para tignan ang sitwasyon ng kanyang mga pananim alas tres ng madaling araw kanina pero nang sunduin ito ng kanyang mga kaanak ay napag alaman na nakauwi na ito batay sa kanilang nakuhang impormasyon pero bigo ang mga kaanak nito dahil hanggang sa ngayon ay hindi pa rin matukoy ang kinaroroonan ng biktima.

Samantala, nasa 16 pamilya ang kasalukuyang nasa evacuation center simula pa kanina.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang paghahanap ng mga otoridad sa nasabing biktima matapos ang naranasang pag uulan sa ilang lugar sa Probinsya ng Isabela.

Facebook Comments