Lalaki, na hit and run sa Pasay City

Manila, Philippines – Kritikal ang isang lalaki matapos ma hit-and-run sa Roxas Boulevard, pababa ng Buendia flyover sa Pasay City.

Hindi pa nakilala ang biktimang tinatayang nasa edad 40-50 anyos at nakasuot ng itim na t-shirt at boxer shorts.

Ayon sa isang saksi, tumatawid ang biktima nang masagasaan ng isang kotse, na hindi niya naplakahan.


Dinala ang biktima sa Pasay City General Hospital at doon inoobserbahan.

tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments