Pagbabakuna sa 5-11 age group, target isagawa sa January, 2022

133

Target ng pamahalaan na simulan sa January, 2022 ang pagbabakuna sa mga batang edad 5 hanggang 11.

Ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., uunahin muna nila ang booster shots ng mga economic frontliners at indigent population sa Disyembre 10.

Aniya, sapat na ang nakaimbak na supply ng bakuna sa bansa para maisagawa ang nasabing hakbang.


Nakausap na rin aniya nila si Food and Drug Administration (FDA) Director General Dr. Eric Domingo kaugnay nito.

Sinabi pa ni Galvez na bago matapos ang Disyembre, posibleng ilabas na ang amendment Emergency Use Authorization (EUA) ng mga bakunang maaaring magamit sa nasabing age group.

Facebook Comments