Lalaki na kakalaya pa lamang, balik kulungan matapos mahulihan ng patalim sa Pasay City

Manila, Philippines – Ilang araw pa lamang nakakalaya, balik kulungan agad ang isang lalaki matapos mahulihan ng patalim sa Pasay City.

Nagsasagawa ng anti criminality campaign ang Pasay City Police nang maispatan si Angelo Glino sa Estella st FB Harrison Pasay City dahil sa kahina hinalang kilos.

Nang kapkapan si Glino ay nakuha sa kaniyang pag-iingat ang patalim.


Ayon kay Glino, pang depensa lamang niya ang patalim.

Kalalaya lamang ni Glino dahil sa panghoholdap.

Sasampahan siya ng kasong posssesion of deadly weapon.

Facebook Comments