Tatlong lungsod sa Metro Manila, nangunguna sa lumalabag sa anti-illegal parking

Manila, Philippines – Nangunguna ang mga lungsod ng Quezon City, Manila, at Mandaluyong sa mga may paulit-ulit na lumalabag sa ordinansa kontra sa ilegal na pagparada.

Ayon kay Jojo Cruz, head ng anti-illegal parking operation ng MMDA, kadalasan ay nauuwi sa gulo ang panghuhuli sa ilang motorista na paulit ulit rin sa pagpark sa hindi tamang lugar.

Maliban rito, ipinagmamalaki rin aniya ng ilang motorista ang pagkakaroon nila ng padrino.


Dahil dito, sinabi ni Cruz na nirerepaso na nila ang mga panuntunan sa paghatak ng sasakyan para masawata ang mga umuulit sa paglabag.

Paalala ng MMDA, kahit paulit-ulit hindi sila titigil sa panghuhuli sa mga lumalabag rito.

Facebook Comments