Lalaki na Lumabag sa isang Batas, Arestado!

*Mallig, Isabela**- *Arestado ang isang lalaki na may kinakaharap na kaso matapos isilbi ang Warrant of Arrest nito kahapon sa Siempre Viva Norte, Mallig, Isabela.

Nakilala ang akusado na si Romulo Balmores, alyas “Tayong”, 59 anyos at residente ng nabanggit na lugar.

Inaresto ng mga kasapi ng PNP Mallig si Balmores sa bisa ng warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Bernabe B Mendoza, ng RTC branch 23, Roxas, Isabela dahil sa kasong paglabag sa RA 7610 o Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act.


Hawak na ng PNP Mallig ang akusado at pansamantalang makakalaya kung makakapagpiyansa ng P200,000.00.

Facebook Comments