Lalaki na may Kasong 4 Beses na Panggagahasa, Arestado

20

Cauayan City, Isabela- Bumagsak na sa kamay ng mga alagad ng batas ang isang lalaki na itinuturing na Top 3 Most Wanted Person sa provincial level matapos isilbi ang warrant of arrest nito sa bayan ng Echague.

Kinilala ang akusado na si Matt Batag, 25 taong gulang, walang asawa, magsasaka at residente ng brgy San Antonio, Ugad, Echague.


Dakong alas 2:00 ng hapon, Enero 24, 2021 nang isilbi ang mandamiento de aresto kay Batag na inilabas ni hukom Nicasio Bautista III dahil sa kasong apat (4) na beses na panggagahasa.

Nasa kustodiya ngayon ng PNP Echague ang akusado na kung saan ay walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Facebook Comments