Lalaki na may kasong Multiple Attempted Homicide, Arestado

*Cauayan City, Isabela*- Arestado ang isang binata na Wanted sa Batas matapos itong maaresto ng mga awtoridad sa Brgy. Mabini, Santiago City.

Kinilala ang akusado na si Patrick Garzota, 26 anyos, residente ng Purok 7, Oscariz, Ramon, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98. iFM Cauayan mula sa Santiago City Police Office, ipinalabas ni kagalang-galag hukom Rodrigo Pascua ng 14th MTC Ramon, Isabela para sa kasong Direct Assault with Multiple Attempted Homicide.


Inirekomenda naman ng korte ang pansamantalang kalayaan ng akusado kug makakapaglagak ng piyansang nagkakahalaga ng P36,000.00.

Sa ngayon ay nananatili sa pangangalaga ng pulisya si Garzota upang harapin ang kaso laban dito.

Photo Courtesy: heraldlive.co.za

Facebook Comments