Pagshut down ng Cell Phone Signal sa traslacion ng Itim na Nazareno sa Cagayan de Oro, hinihingi ni Mayor Moreno sa NTC

Hinihingi ngayon ni Mayor Oscar Moreno sa National Telecommunications Commission o NTC na i-shut down ang cell phone signal sa Cagayan de Oro sa oras na isasagawa ang Traslacion sa Itim na Nazareno sa Enero a-nuebe.

Ayon kay Mayor Moreno na hiningi niya ito sa NTC upang masiguro na mabigyan ng seguridad ang mga deboto mula sa iba’t-ibang panig ng Visayas at  Mindanao na sasali sa naturang traslacion.

Inihayag ni Monsignor Perseus Cabonoc, Parish Priest ng Nazareno Church na hindi bababa sa kalahating milyon na mga deboto, mula sa Visayas at Mindanao ang  inaasahang dadagsa sa Cagayan  de Oro upang sumali sa traslacion ng Black Nazarene  .


Pinirmahan naman ni Mayor Moreno ang kaniyang Executive Order na nagbabawal sa pagpapalipad ng drone sa panahon ng Traslacion upang maging ligtas ang mga deboto ng Itim na Nazareno.

Facebook Comments