Lalaki na may kasong Paglabag sa VAWC, Huli sa San Pablo, Isabela!

46

San Pablo, Isabela- Timbog ang isang lalaki matapos silbihan ng Warrant of Arrest pasado alas dos ng hapon sa Brgy. Calamagui, San Pablo, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Gilmar Pagulayan Belleza, 36 anyos, may asawa at residente ng nabanggit na lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, hinuli si Belleza sa bisa ng mandamyento de aresto na ipinalabas ni hukom Felipe Jesus Torio III ng RTC Branch 22 Cabagan, Isabela dahil sa kasong paglabag sa RA 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act.

Dinala na sa PNP San Pablo ang akusado para kaukulang dokumentasyon bago dalhin sa court of origin nito.

May inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ni Belleza na nagkakahalaga ng P72, 000.00

Facebook Comments