Lalaking may Kasong Estafa, Arestado!

60

Arestado ang isang lalaking wanted sa batas matapos itong silbihan ng warrant of arrest sa brgy. Bannawag Sur, Diffun Quirino.

Kinilala ang akusado na si Sherwin Saflor, 28 anyos, walang asawa at residente ng brgy. San Juan Echague Isabela.

Nadakip ito sa bisa ng mandamyento de aresto na ipinalabas ni judge Genevieve Ande-Ewangan ng MTCC 2nd Judicial Region Branch 1 Santiago City sa kaso nitong Estafa.

Pansamantala naman itong makakalaya kung makakapaglagak ng nairekomendang piyansa na nagkakahalaga ng 20, 000 pesos.

Facebook Comments