Lalaki na may Kasong Panggagahasa, Timbog sa Roxas, Isabela!

*Roxas, Isabela- * Hawak na ng mga otoridad ang isang lalaki na wanted sa batas matapos madakip sa Brgy. Rizal, Roxas, Isabela.

Nahuli ang akusado na kinilalang si Edmark Mauricio, 18 anyos, at residente rin ng nabanggit na lugar.

Si Mauricio ay naaresto sa bisa ng mandamiento de aresto na inihain ni judge Bernabe Mendoza ng RTC 23 Roxas, Isabela dahil sa kinakaharap nitong kaso na panggagahasa kung saan walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Dinala na sa himpilan ng PNP Roxas ang akusado para sa tamang disposisyon.

Facebook Comments