Lalaki na Nagnakaw ng Cellphone, Arestado!

148

*San Guillermo, Isabela –* Arestado ang isang lalaki matapos magnakaw pasado ala una kaninang madaling araw, Disyembre 28, 2018 sa Brgy. San Mariano Sur, San Guillermo, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Rowel Asuncion Librano, nasa tamang edad, at residente ng Brgy. San Mariano Sur, San Guillermo, Isabela habang ang biktima ay si Rebecca Nipa Fabros, 33 anyos, may asawa at residente din ng nasabing bayan.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), naaresto ng mga kasapi ng PNP San Guillermo ang suspek katuwang ang mga Brgy. Officials matapos itong ireport ng isang concerned citizen na nagnakaw ng Cellphone na nagkakahalaga ng animnapung libong piso (P6,000.00).


Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng PNP Guillermo si Librano at mahaharap sa kasong pagnanakaw.

Facebook Comments