Lalaki na Nagtitinda ng Saging, Arestado sa Pagpupuslit ng Tao

Cauayan City, Isabela- Sasampahan na ngayong araw ng kasong paglabag sa RA 11332 o “Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act” ang isang lalaki na nahuli dahil sa pagpupuslit ng tao sa bayan ng San Mariano, Isabela.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Police Staff Sergeant Rogelio Ignacio, tagasiyasat ng PNP San Mariano, dalawang beses nang lumabag sa protocol ang suspek na kinilalang si Martin Dela Torre, nasa hustong gulang at residente ng brgy. San Jose, San Mariano, Isabela.

Ayon sa imbestigador, nabigyan aniya ng food pass ang naturang suspek dahil nagdedeliver ito ng mga essentials goods gaya ng saging.


Ginagamit din pala aniya ang food pass nito para makalabas pasok sa bayan ng San Mariano patungong Taguig.

Kaugnay nito, natiklo ito sa kanyang pagpupuslit ng apat (4) na locally stranded individual sa kanyang Van mula sa Bulacan na iuuwi sana sa bayan ng San Mariano.

Mayroon naman aniyang travel authority ang mga isinakay nito subalit hindi sila dumaan sa tamang proseso.

Una nang inireklamo ng kanilang barangay Kapitan ang suspek dahil sa ginagawa nitong pagbabahay-bahay na pagbili ng saging na ibinebenta naman sa Taguig.

Ang pagkakahuli ng suspek ay dahil na rin aniya sa mahigpit na pagsusuri sa lahat ng mga dumadaan na sasakyan papasok sa kanilang bayan.

Mayroon rin kautusan ang alkalde ng San Mariano na naka ban na ang suspek hanggang sa makabalik sa maayos na sitwasyon ang bayan dahil dalawang beses na itong lumabag sa ipinatutupad na protocols.

Paalala naman ng imbestigador sa mga kabilang sa Authorized Person Ooutside Residence (APOR) gaya ng mga nagdedeliver ng mga essentials goods na iwasang magsakay ng Unauthorized Persons Outside Residence (UPOR) na hindi pa dumadaan sa tamang proseso.

Kung mayroon aniyang mga kaanak na na-stranded sa ibang lugar ay makipag-ugnayan muna sa LGU upang magkaroon ng schedule para masundo.

Facebook Comments