Lalaki na Namimingwit ng ‘Igat’, Inaresto ng Pulisya

45

Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang 60-anyos na lalaki dahil sa ginawa nitong iligal na pangingisda sa bayan ng Amulung, Cagayan.

Kinilala ang naaresto na si Danny Morgado, may-asawa at residente ng Brgy. Casingsingan Sur, Amulung.


Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen na may isang lalaki ang nangunguryente para humuli ng isda sa isang creek malapit sa isang tulay na sakop ng Barangay Abbeg kaya’t agad itong dinakip ng mga rumespondeng awtoridad.

Nakumpiska sa suspek ang isang (1) set ng improvised electric apparatus at higit kumulang isang (1) kilong eel o “igat” na nakasilid sa plastic container.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 8550 o Illegal Fisihing ang suspek na nasa kustodiya ngayon ng mga awtoridad.

Facebook Comments