Lalaki na Nasamsaman ng mga Baril at Iligal na Droga, Sasampahan na ng 2 Kaso

22

Cauayan City, Isabela- Inihahanda na ngayon ng Tumauini Police Station ang kasong paglabag sa RA 10591 o Illegal Possession of firearms at RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act) na isasampa laban sa suspek na nasamsaman ng mga baril at marijuana.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PMaj Rolando Gatan, hepe ng pulisya, nananatili ngayon sa kanilang kustodiya ang suspek na nakilalang si Cornelio Diaz, 33 taong gulang, walang asawa at residente ng barangay Antagan 2nd, Tumauini, Isabela.


Magugunitang dinakip ng mga kasapi ng PNP Tumauini ang suspek sa pangunguna ni PMaj Gatan sa bisa ng dalawang (2) search warrant para sa kanyang pag-iingat ng iligal na baril at ipinagbabawal na gamot.

Nagresulta ito sa pagkakaumpiska sa kanyang pangangalaga ang isang (1) Caliber 22 homemade revolver na may kasamang mga bala, isang (1) unit ng Caliber 38, isang (1) homemade shotgun, iba’t-ibang klase ng basyo at bala at isang itim na holster.

Ayon pa sa hepe, isang newly identified ang suspek at tikom pa ang bibig nito sa pagbibigay ng impormasyon kung sino ang supplier nito ng marijuana.

Mainam na rin aniya na nadakip na ang nasabing suspek upang hindi na maulit ang mga reklamong ipinupukol rito.




Facebook Comments