19 Anyos na Binata, Timbog sa Pagbebenta ng Marijuana

15

Cauayan City, Isabela- Tuluyang bumagsak sa kamay ng mga alagad ng batas ang isang 19 taong gulang na binata matapos mahulog sa inilatag na drug buybust operation ng mga otoridad sa kahabaan ng barangay San Vicente, City of Ilagan, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Christian Rampas, walang asawa at residente ng Brgy Calamagui 1st, City of Ilagan, Isabela.

Nagpositibo ang initalag na operasyon ng mga operatiba kung saan nabentahan ng suspek ng isang (1) puting folder paper na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana.

Nasamsam rin ng mga otoridad sa pag-iingat ng suspek ang ginamit na buy bust money at isang (1) unit ng cellphone.

Mahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Compehensive Dangerous Drugs Act ang suspek.

Facebook Comments