Lalaki na-ospital matapos, hampasin ng pala ng kanyang katrabaho

20

Nabas, Aklan – Sugat sa kamay ang tinamo ng isang lalaki matapos na hampasin ng pala ng kanyang katrabaho kahapon sa Brgy. Union, Nabas, Aklan.
Ang biktima ay kinilalang si Reynald Saturnino, 39-anyos habang ang suspek ay nakilalang si Vinzen Aloro, 26-anyos, parehong residente ng Man-up, Atlavas at mga trabahador ng isang telecommunication company.
Sa imbestigasyon ng Nabas PNP na kahapon ay nag inuman ang mga ito sa kanilang staff house at merong mainitang diskusyon na nangyari hanggang sa umabot na kumuha ng pala ang suspek at hinampas ang biktima.
Matapos ang insidente ay agad dinala ang biktima sa hospital at nahuli naman ang suspek na sa ngayon ay naka kulong na sa Nabas PNP.

Facebook Comments