50 na mga pulis galing sa Sara, Iloilo bilang augmentation, dumating na sa Aklan

22

Kalibo, Aklan – Dumating na sa Aklan Police Provincial Office (APPO) ang 50 na mga pulis galing sa Sara, Iloilo City noong Biyernes Mayo 22, 2020.
Pinangunahan ni PCol Esmeraldo P Osia, Jr., Provincial Director ng Aklan ng pagtanggap sa nasabing mga pulis.
Agad namang isinailalim sa medical evaluation at rapid testing ang mga pulis para masiguro na sinunod nila ang tamang protocol bago pa man ang kanilang deployment.
Ang mga pulis na ito ay gagamitin ng probinsya para na masiguro ang istriktong implementasyon ng “New Normal Situation” base sa inamyendahang Executive Orde No. 23 series of 2020.

Facebook Comments