Lalaki na Sangkot sa Iligal na Droga, Arestado sa San Mateo, Isabela!

*San Mateo, Isabela- *Arestado ng mga otoridad ang isang lalaki na sangkot sa iligal na droga sa Brgy.3, San Mateo, Isabela.

Ang akusado ay si Gerfil Sebastian, alyas Jhong Sebastian, 43 anyos, may-asawa, walang trabaho at residente ng Brgy.3, San Mateo, Isabela.

Matagumpay na nahuli si Sebastian sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni judge Ariel M Palce ng RTC Br 40, Cauayan City, Isabela dahil sa kinakaharap na kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.


May inirekomendang piyansa na P200,000.00 ang korte para sa pansamantalang kalayaan ni Sebastian.

Nasa kustodiya ng San Mateo Police Station ang akusado para sa kargadagang dokumentasyon bago dalhin sa court of origin nito.

Facebook Comments