Lalaki na Suspek sa Pagpatay sa kanyang Kaibigan, Nahuli na

1583

*Cauayan City, Isabela*- Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong Murder matapos nitong barilin sa dibdib ng dalawang beses ang kanyang kaibigan noong Miyerkules ng Gabi (Nov.27, 2019) sa Brgy. Zone 2, San Mariano, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Charles Castañeda Jr. o mas kilala sa alyas na “Junior” sa kanilang lugar habang ang biktima ay kanyang kaibigan na si Marfelino Marimla, 29 anyos na residente sa nasabing lugar.


Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan PMAJ Fedimer Quitevis, Hepe ng PNP San Mariano, lumalabas sa imbestigasyon na makaraang barilin ng suspek ang biktima ay nakapagsalita pa ito bago tuluyang bawian ng buhay at itinuro ang mismong bumaril sa kanya na alyas ‘Junior’ kaya’t agad na tinukoy ng kapulisan ang kinaroroonan ng suspek.

Ayon pa kay PMAJ Quitevis, may alitan na ang biktima at suspek tatlong linggo bago ang pamamaril dahil sa sinuntok umano ng biktima ang suspek na nauwi sa sama ng loob.

Hindi naman narekober ng pulisya ang baril na ginamit ng suspek matapos ang insidente.

Nagpositibo naman sa Gun Powder Residue ang suspek na si Castañeda.

Facebook Comments