Lalaki na Tulak ng Droga, Arestado!

*Ilagan City, Isabela- *Bagsak sa kulungan ang lalaking tulak ng droga matapos madakip sa ikinasang drug buy bust operation ng mga otoridad partikular sa Ilagan Sports Complex, Brgy. San Vicente, City of Ilagan, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Marvin Garcia, 28 anyos, walang trabaho at residente ng Brgy Calamagui 1st, City of Ilagan, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 Ifm Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), nagpositibo ang inilatag na transaksyon ng mga otoridad laban kay Garcia kung saan nabili ng poseur buyer mula sa suspek ang isang sachet ng hinihinalang shabu.


Nakuha rin mula sa pag-iingat ng suspek ang isang libong piso na marked money at dalawang unit ng cellphone.

Nasa kustodiya na ng Ilagan City Police Station ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments