Top 3 Most Wanted Person, Natimbog!

61

*Echague, Isabela- *Arestado ng mga otoridad ang itinuturing na Top 3 Most Wanted Person sa bayan ng Echague, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Aries Dalloran, 36 anyos, may-asawa, laborer at residente ng Brgy. Angoluan, Echague, Isabela.


Hinuli si Dalloran sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng MTC Echague, Isabela dahil sa kasong Attempted Homicide na may inirekomendang piyansa na P6,000.00 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Dinala na sa Echague Police Station ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments