Lalaki na Tumangay ng Motorsiklo, Arestado!

Burgos, Isabela- Arestado ang isang lalaki matapos magnakaw ng motorsiklo sa isang bar kahapon sa Brgy. San Antonio, Burgos, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Romel Apostol, talumpu’t isang taong gulang, may asawa, isang magsasaka at residente ng Brgy. San Roque, Burgos, Isabela habang ang biktima naman ay kinilalang si Francisco Queddeng, talumpu’t dalawang taong gulang, may asawa, isa ring magsasaka at residente ng Brgy. Caliguian, Burgos, Isabela.

Batay sa natanggap na impormasyon ng RMN Cauayan, dumulog sa himpilan ng PNP Burgos ang biktima na umano’y nawawala ang kanyang motorsiklo na may plakang BA-30715 matapos nitong iparada sa harap ng naturang establisyimento kaya’t agad namang nirespondehan ng mga kapulisan ang sumbong ng biktima.


Sa isinagawang operasyon ng PNP Burgos ay agad ring nahuli ang suspek at narekober mula sa kanya ang tinangay na motorsiklo ni Queddeng.

Sa ngayon ay nakapiit na sa kanilang himpilan ang suspek na mahaharap sa kasong Carnapping.

Facebook Comments