Lalaki na Wanted sa Batas, Arestado!

Huli ang isang construction worker na wanted sa batas matapos isilbi ang warrant of arrest nito sa Cauayan City, Isabela pasado alas dos ng hapon, May 23, 2019.

Kinilala ang akusado na si Noel Ramos, 49 anyos, may asawa, at residente ng Brgy. Cabaruan, Cauayan City, Isabela.

Hinuli si Ramos sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni hukom Reymundo Aumentado ng RTC Branch 20 Cauayan City dahil sa kasong paglabag sa RA 6539 o Anti-Carnapping Law.


Pansamantalang makakalaya si Ramos kung makakapaglagak ng kanyang piyansang P180,000.00.

Nasa pag-iingat na ng Cauayan City Police Station ang akusado para sa karagdagang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments