Magsasaka, Sugatan nang Tagain ng Kainuman!

15

Roxas, Isabela- Sugatan ang isang magsasaka matapos tagain ng kanyang kainuman sa Brgy. San Antonio, Roxas, Isabela.

kinilala ang biktima na si Rogelio Alcantara, 38 anyos, may asawa at residente rin ng nasabing lugar habang ang suspek ay si Cielo Pulido na residente naman ng Brgy. San Rafael, Roxas, Isabela.


Batay sa inisyal na impormasyong natanggap ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), habang nag-iinuman ang biktima at suspek kasama ang nagngangalang mariano Pilar Jr. ay nagkaroon ng matinding alitan ang biktima at suspek.

Makaraan ang ilang sandali ay kumuha ng itak ang suspek at itinaga sa ulo ng biktima.

Agad namang tumakas ang suspek matapos ang insidente.

Isinugod naman sa pinakamalapit na pagamutan ang biktima subalit inilipat rin sa ibang ospital para sa kaukulang lunas.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng kapulisan sa nasabing pananaga habang pinaghahanap naman ang tumakas na suspek.


Facebook Comments