Lalaki na Wanted sa Batas, Huli sa Alicia, Isabela!

201

Cauayan City, Isabela- Nadakip na ng mga otoridad ang isang lalaki na nahaharap sa kasong Acts of Lasciviousness matapos isilbi ang mandamiento de aresto nito bandang 11:30 kaninang umaga sa Brgy. Paddad, Alicia, Isabela.

Sa ipinalabas na warrant of arrest ni hukom Lornabeth R Tutaan-Ucol, ng MTC-Alicia, Isabela ay nadakip ang akusado na si Francis Fernando, 29 anyos, may-asawa, magsasaka at residente ng Brgy. Bagnos, Alicia, Isabela.


Ang kasong Acts of Lasciviousness na kinakaharap ng akusado ay may kaukulang piyansa na P36,000.00.

Dinala na sa himpilan ng PNP Alicia ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.

Facebook Comments