
Naaresto ng mga tauhan ng Lingayen Municipal Police Station (MPS) ang isang 55-anyos na lalaki bandang 11:13 ng umaga noong January 12, 2026 sa Lingayen, Pangasinan sa bisa ng Warrant of Arrest.
Ang akusado, isang may-asawa, self-employed, at residente ng Sual, Pangasinan, ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o ang Comprehensive Law on Firearms and Ammunition, na sumasaklaw sa RA 8294 at PD 1866, kaugnay ng service of sentence.
Matapos ang pag-aresto, ang suspek ay agad na dinala at kasalukuyang nasa kustodiya ng Lingayen MPS para sa kaukulang dokumentasyon at pagpapatupad ng hatol ng korte. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










