Lalaki, Nagbigti dahil Umano sa Selos!

Cauayan City, Isabela- Patay na nang matagpuan ang isang lalaki matapos itong magbigti sa Lallayog, Tuao, Cagayan.

Kinilala ang biktima na si Joey Calugong, 30 anyos, magsasaka at residente ng naturang barangay.

Sa nakalap na impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, nakatanggap ng report ang PNP Tuao mula sa barangay Chairman na natagpuan ang katawan ng biktima na nakabitin sa isang kubo na pagmamay-ari ni Willy Manaois.


Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nagkaroon ng unang pagtatalo ang biktima sa live-in partner kung saan hinihiling umano ni Calugong sa kanyang live-in partner na hiwalayan na ang kanyang kalaguyo alang-alang sa kanilang 7 taong gulang na anak.

Kumbinsido naman ang magulang nito na ito ang naging rason ng biktima upang kitilin ang kanyang sariling buhay.

Facebook Comments