Lalaki, nagbigti sa hardin matapos umanong pagbawalan ng magulang na pumasok sa loob ng bahay

OXFORDHIRE, England – Natagpuang nakabigti ang isang 32-anyos na lalaki sa hardin sa labas ng kanilang bahay matapos umanong pagbawalan ito ng mga magulang na umuwi.

Umaga na nang makita ng kanyang tatay na kinilalang si John Duckett ang biktimang si Craig Duckett nang pumunta ito sa shed ng kanilang hardin para kunin ang kanyang boots.

Ayon sa ulat, noong gabing magpakamatay si Craig, dalawang beses tumawag ang magulang nito sa awtoridad dahil sa takot sa maaaring gawin ng anak na lulong noon sa alak at droga.


Nag-aalangan daw silang patuluyin ang anak lalo pa’t noong gabi bago ang malagim na insidente, nagtangkang maglaslas si Craig sa harap mismo ng kanyang mga magulang sa loob ng kanilang bahay sa Banbury, Oxfordshire.

Mayroon daw inihandang kama sa labas ng bahay ang mag-asawa para sa kanilang anak sakaling umuwi raw ito na lulon sa droga.

Base pa sa report, marami na rin daw napinsala si Craig sa kanilang tahanan dahil sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

Ayon kina Police Ryan Withrington, “Craig Duckett was back at the same address but this time he had a knife and had cut himself. We went back and saw him in the shed sitting down.”

Galit daw ang biktima at sinasabing nais raw niyang magpalagay sa isang Mental Health Act.

Nagsimula raw malulong si Craig sa alak at droga matapos itong magkaroon ng traumatic head injury nang mahulog mula sa isang 25ft metal poles noong 2011.

Ayon naman sa ina ng biktima, “His behaviour became erratic, his drug use increased over the last few years and his behaviour became particularly difficult. During the summer of 2018, he was drinking a lot of red wine and he would become uncontrollable for a few days at a time.”

Nagkaroon na rin daw siya ng problema sa kanyang nobya ayon pa sa nakalap na impormasyon.

Samantala, malinaw na suicide ang nangyari.

(Sa mga nakararanas ng depresyon, huwag mag-alinlangang sumangguni sa malalapit na kaibigan at espesyalista.

Maari ring tumawag sa “Hope Line” ng Natasha Goulbourn Foundation na katuwang ng Department of Health (DOH):

(02) 804-HOPE (4673)
0917-558-HOPE (4673) or (632) 211-4550
0917-852-HOPE (4673) or (632) 964-6876
0917-842-HOPE (4673) or (632) 964-4084)

Facebook Comments