Lalaki, nagbigti sa Maynila

Manila, Philippines – Isang lalaki ang natagpuang wala nang buhay at nakabitin malapit sa Rizal Memorial Stadium, kanto ng P. Ocampo at Vito Cruz Extension sa Pasay City.

 

Kinilala ni SPO1 Herman Cariño ang nasawi na si Belton Cordero, 30-anyos at barker ng pampublikong sasakyan sa lugar.

 

Ayon sa security guard na si Alex Alcantara, nakabigti sa cable wire ng Meralco na nakakabit sa poste si Cordero na noo’y half naked nang matagpuan alas siyete y medya ng gabi.

 

Ayon sa ina ng biktima na si ginang Belen Cariño, matagal nang sumisinghot ng solvent ang kanyang anak at tila nagkaroon  ito ng psychological issue mula nang magkaroon ng problema sa pamilya.



Facebook Comments