Lalaki, nagnakaw ng 3-ft dildo sa sex shop

653
Screenshot from CCTV footage obtained by New York Post

Tinangay ng ‘di pa nakikilalang lalaki ang higanteng dildo na tinawag na “Moby Dick” sa isang sex shop sa Las Vegas, Nevada, USA.

Sa kuha ng surveillance camera sa ulat ng TMZ, tirik pa ang araw nang pumasok ang lalaking naka-mask at sombrero sa Deja Vu Love Boutique noong Hulyo 14.


Kinarga ng kawatan sa balikat ang 3-talampakang haba at nasa 18kg ang bigat na sex toy, saka lumabas nang parang wala lang.

Ayon sa awtoridad, dinala ng lalaki ang dildo sa puting sasakyan, ngunit bukod dito ay wala na silang ibang alam sa suspek.

Nagkakahalaga ang Moby Dick, na tinaguriang “world’s largest retail dildo”, ng $1,200 (halos P60,000).

Kaugnay nito, naglapag ng pabuya ang shop sa sinumang makakapagturo sa kawatan.



Facebook Comments