Lalaki, nagnakaw ng sasakyan habang may natutulog sa backseat

NEW MEXICO, USA – Arestado ang isang lalaki matapos nitong paandarin ang isang sasakyan habang mayroong natutulog sa backseat nitong Huwebes, Disyembre 19.

Natutulog noon ang lalaking si Ignacio Baca sa sasakyan ng nobya na 2006 Toyota Corolla nang bigla siyang magising at maaktuhan ang suspek na kinilalang si Joseph Allen habang minamaneho ang kotse.

Ayon sa ulat, suntok at sakal ang inabot ni Baca nang tanungin ang suspek kung ano ang ginagawa nito sa kanyang sasakyan.


Nang itigil ni Allen ang sasakyan ay naglabas ito ng kutsilyo at sinaksak sa tagiliran at braso si Baca ngunit sa kabutihang-palad ay naagaw niya ito at sinaksak sa kamay ng suspek.

Agad na nakapagsumbong sa pulisya si Baca nang makatakas ito mula sa sasakyan at humaharap sa kasong aggravated battery, auto theft at false imprisonment ang lalaki.

Facebook Comments