Pagbebenta ng lambanog , banned muna sa CALABARZON

Mahigpit na pinag utos ni   Brig. General Vicente Danao ang pagbabawal munang magbenta ng lambanog sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.

Nais ni Gen. Danao na papuntahan ng mga police commanders ang lahat ng tindahan ng lambanog sa kanilang nasasakupan.

Ayon kay Danao, mananatili ang ban sa pagbebenta ng lambanog hanggat walang clearance na naipalalabas ang Foods and Drugs Administration.


Hawak na ngayon ng Candelaria Police ang may ari ng tindahan ng lambanog na si   Nicanor Buela Delos Reyes para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments