Lalaki, nagpakamatay matapos hindi makasama ang nobya sa araw ng mga puso

Wala nang buhay nang madiskubre ng mga kaanak ang isang lalaki na pinaniniwalaang nagpatiwakal sa kanilang bahay sa Bacolod, sa mismong Araw ng mga Puso.

Ayon sa pulisya, natagpuan na lamang na nakabigti sa kanyang kuwarto ang 20-anyos biktima, umaga ng Pebrero 14.

Batay sa ina ng biktima, wala silang naobserbahang senyales ng depresyon sa lalaki bago mangyari ang insidente.


Posible umanong ikinalungkot ng lalaki ang hindi pagsagot ng kanyang nobya na napag-alamang 30 beses niyang tinawagan mula pa madaling araw, ngunit hindi sumagot.

Hinala ni P/Maj. Jovil Sedel, nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan ang mag-nobyo sanhi ng pagpapakamatay ng lalaki.

Umapela naman ang pulisya sa pamilya na ipa-autopsy ang bangkay ng biktima, kahit na kumbinsido ang mga ito na nagpakamatay ang lalaki.

Facebook Comments