Pulis, sinasagaan ng sinitang motorista na walang helmet

910

MANGALDAN, Pangasinan – Isinugod sa ospital ang isang pulis matapos ito sagasaan ng sinitang rider dahil sa hindi nito pagsusuot ng helmet.

Ayon sa ulat, nakuhanan daw sa CCTV ang pangyayari kung saan makikita raw ang dalawang pulis na noo’y nagsasagawa ng checkpoint noong Lunes, Pebrero 17.


Bigla raw may paparating na isang motorista ngunit hinarangan ito ng dalawa at pilit na pinahihinto.

Ang isa sa mga pulis ay may hawak pa raw na upuan para takutin ang rider habang ang biktimang si Master Sergeant Romeo Liwanag ay humarang umano sa gitna.

Sa halip na huminto ay sinagasaan ng suspek si Liwanag.

Idinala sa ospital ang biktima na naiulat namang na-discharge rin kalaunan.

Samantala, arestado naman ang 21-anyos na suspek na kinilalang si Gerald Marcial na haharap sa reklamong frustrated homicide.

Facebook Comments