Nagsauli ng bag na naglalaman ng 16,000 euros ($17,000) ang isang 51-anyos na lalaki sa Germany nito lamang Disyembre 24.
Ayon sa pulisya, nagtungo sa kanila ang naturang lalaki matapos itong makakita ng bag sa ilalim umano ng puno sa gitna ng Krefeld City.
Agad na hinanap ng awtoridad ang may-ari ng bag para maibalik ang nilalamang pera nito kaya laking pasasalamat ng isang 63-anyos na lalaki nang muling makita ang nawawalang gamit.
Naglalaman ng perang nagkakahalaga ng 17,00 dollars o mahigit 800K ang naturang bag.
Samantala, ibinahagi naman ng Krefeld police sa kanilang Facebook account ang kabutihang ginawa ng Good samaritan.
“They really exist, the good deeds for Christmas,” ani ng pulisya.
Kwento nila, sa kabila ng kabutihang ginawa ay hindi tinanggap ng lalaki ang pabuyang handog matapos magbalik ng gamit.
Makakatanggap daw sana ito ng 490 euros o ($540) sakaling tanggapin ang naturang pabuya bilang isa sa nakagawian ng Germany sa mga nagmamagandang-loob na magbalik ng mga nawawalang gamit.