Magsasaka, Arestado sa Kasong Rape!

Mallig, Isabela – Timbog ang isang magsasaka na may kasong panggagahasa matapos isilbi ang warrant of arrest nito pasado alas singko ng hapon, Hulyo 8, 2019 sa Barangay San Ramon, Mallig, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Renante Laddaran, 42 anyos, may asawa at residente sa nasabing barangay.

Nadakip si Laddaran sa pangunguna ni P/Cpt. Loreto R. Infante, hepe ng Mallig Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Bernabe B. Mendoza ng RTC Branch 23 – Roxas, Isabela dahil sa krimeng panggagahasa.


Walang inirekomendang piyansa ang hukuman laban kay Laddaran para sa kaniyang pansamantalang kalayaan.

Sa ngayon ang akusado ay nasa kustodiya na ng Mallig Police Station kaugnay sa kasong kaniyang kinakaharap.

Facebook Comments