Tinatayang nasa 1.8 milyong piso ang halaga ng marijuana ang nakumpiska mula sa isang magsasaka matapos ang ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Purok 3, Agbannawag, Tabuk City, Kalinga nitong Miyerkules, Setyembre 28, 2022.
Arestado ang suspek na kinilalang si Rolando Yag-ao, 32-taong gulang, may asawa, at residente ng Tinglayan, Kalinga.
Nakumpiska mula sa kanyang pag-iingat ang walong piraso ng pinatuyong dahon ng marijuana na may fruiting tops at tangkay na naka-brick form na tumitimbang ng 8 kgs; walong piraso pa ng kaparehong kontrabando sa tubular form naman na may timbang na 7 kgs; isang yunit ng cellphone at ang boodle money na ginamit sa operasyon.
Si Yag-ao ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang high impact operation ay isinagawa ng pinagsanib na pwersa ng PDEA RO II BATANES PO, PDEA CAR KALINGA PO, PDEA RO II NUEVA VIZCAYA PO, PDEU/PIU KPPO, 1501st at 1503rd RMFB 15, Tabuk CPS, at RID PROCOR.
Facebook Comments