Lalaki, nakapagluto daw ng baboy sa kotse sa tindi ng init

Screenshot from Australian Broadcasting Corporations' video

Sinasabi ng isang lalaki mula Australia na naluto sa kanyang sasakyan ang karne ng baboy, na kinain niya kalaunan, dahil sa sobrang init.

Ayon kay Stu Pengelly, residente ng Perth, nag-iwan siya ng 1.5 kilo ng karne ng baboy sa loob ng luma niyang Datsun Sunny sa loob ng 10 oras sa araw na 39°C ang temperatura.

“It worked a treat!” saad niya sa kanyang Facebook post noong Biyernes.


Binantayan ni Pengelly ang temperatura sa buong araw na pumalo umano ng 30° noong 7 a.m, 52° nang 10 a.m at 81° nang 1 p.m sa loob ng sasakyan.

Sa kabila ito ng pagkakaroon ng tinted window, selyadong pinto at mga bintana, at malaking butas sa bubong na dapat aniya makababawas sa init sa loob.

Ipinakita naman ni Pengelly ang pagkain niya sa karne sa bidyo na inilabas ng Australian Broadcasting Corporation (ABC).

“Bit of Texas spice, salt and pepper. It worked! Go Datsun oven!” aniya.

Ayon pa kay Pengelly, intensyon ng naturang eksperimento na magpaalala tungkol sa pag-iiwan ng mahahalagang bagay o tao sa mainit na kotse.

“If you see kids or dogs in a hot car, do not hesitate o smash a window to get them out ASAP. It is not an offence to do this and you could save a life. Please keep a watch out,” saad niya.

Facebook Comments