Lalaki Nakitang Nakabitay sa Akasya sa Ragay, CamSur

Matigas na ang katawan ng isang hindi pa nakikilalang lalaki nang madiskubrehan nakabitay sa isang puno ng akasya kahapon sa bayan ng Ragay, Camarines Sur.
Ayon sa report ng Ragay PNP, alas ng umaga kahapon ng madiskubre ang nag-suicide na lalaking nasa 30 anyos ang edad sa Barangay Bnahan Upper Ragay. Nakasuot ng itim na t-shirt at asul na pantalon, nakabitay ang katawan nito sa puno ng akasya gamit ang isang leather belt.
Inireport ng mag-amang Noah at Moises Mirano na kapwa residente ng nasabing barangay sa pulisya ang pangyayari nang madiskubre nila ang nakabitay na katawan ng nagsuicide habang naglalakad umano sila sa gilid ng kalsada.
Hindi pa rin batid ang identity ng nasabing lalaki at blanko pa rin ang otoridad kung may foul play o wala sa nasabing insidente.
Photofrom gaspirtz.com

Facebook Comments