Lalaki – nalunod sa Limay, Bataan

8

Limay, Bataan, Philippines – Dead on arrival sa ospital ang 62-anyos na lalaki na hinihinalang nalunod sa Brgy. Lamao, Limay, Bataan.

Sa report ng pulisya, kinilala ang biktimang si Danilo Manuel na residente ng naturang lugar.

Nabatid na nakainom ang biktima nang magpasyang magswimming sa dagat malapit sa kanilang bahay.

Kinalaunan nakita ito ng kanyang mga anak na wala nang malay kaya’t isinugod ito sa ospital subalit idineklarang patay na.

Facebook Comments