Lalaki, nanggulo sa isang wedding reception; nagsabing papatayin at gagahasain ang guests

517

Penn Township Pennsylvania – Isang 48-anyos na lalaki ang nakakulong sa Snyder County Jail matapos itong manggulo sa isang wedding reception sa Stone Barn Farm and Vineyard sa Penn Township, Pennsylvania.

Ayon sa report, habang nagkakasiyahan ang lahat ay bigla na lamang raw nagwala ang hindi kinilalang lalaki.


Papatayin raw niya ang kanyang asawa kaya’t agad na pumasok sa eksena ang kanyang faher-in-law at nagkasuntukan ang dalawa.

Agad namang sumaklolo ang tatlong iba pang mag lalaki na nasa naturang selebrasyon.

Nang mapakalma na ang suspek, sinabi nitong papatayin raw niya ang kanyang asawa at biyenan, at gagahasain at sasaksakin ang lahat ng bisita ng party.

Bigla umanong naglabas ng kutsilyo ang suspek at tumakbo papunta sa mga bisita ngunit bago pa man makagawa ng panibagong eksena ay nahuli na ito ng mga pulis.




Facebook Comments