Ronald Cardema at Commissioner Rowena Guanzon, nag-face off sa Comelec

301

 

Tinalakay ng Commission on Elections o Comelec en banc ang pag-atras ni Ronald Cardema bilang first nominee ng Duterte Youth Party-List.

 

Dumating si Cardema sa Comelec en banc kanina, para ipaliwanag ang kanyang inihain na “notice of withdrawal” bilang 1st nominee ng Duterte Youth Partylist.

 

Closed-door ang session kung saan nag-face-off sina Cardema at Comelec Commissioner Rowena Guanzon.

 

Pagkatapos ng session, nagpaunlak ng panayam sa media si Guanzon at sinabi nito na pagbobotohan pa kung tatanggapin o hindi ng Comelec ang notice of withdrawal ni Cardema.

 

Iginiit naman ni Guanzon na hindi siya boboto pabor kay Cardema at nagbanta ito na mahaharap si Cardema sa “legal consequences” dahil sa kanyang pag-atras.

Una nang inakusahan ni Cardema si Guanzon ng panghaharass na aniyay  naging dahilan kung bakit siya “nagsakripisyo” at umatras bilang first nominee ng Duterte Youth Partylist.

Facebook Comments