Lalaki, nasungkit ang bagong world record sa pagpapa-ikot ng bola sa toothbrush habang nakasubo ito sa kaniyang bibig

228

Panghimagas – Isang lalaki ang nakasungkit ngayon ng bagong record sa pagbabalanse at pagpapa-ikot ng bola sa toothbrush habang nakasubo ito sa kaniyang bibg.

Na-break ng 25-anyos na si Sandeep Singh ang “”longest duration spinning a basketball on a toothbrush” kasama na ang pagbabalanse nito sa loob ng 53 seconds.

Ginawa niya ang nasabing performance sa harap ng kaniyang mga kababayan sa punjab kung saan sinimulan niyang paikutin ang bola sa daliri saka ipinuwesto sa subo-subo nitong toothbrush.


Pinaatob ni Singh ang previous record na 6.84 seconds kaya’t tuwang –tuwa ito maging ang mga kaibigan niya na tumulong para i-promote ang kaniyang video.

Facebook Comments