VACC, magbibigay ng ayuda sa ama ng minasaker na pamilya sa San Jose Del Monte Bulacan

188

Manila, Philippines – Nakahanda na ang Volunteers Against Crime and Corruption o VACC Ana bigyan ng ayuda si Dexter Carlos Dizon Sr, ang ama ng minasaker na pamilya sa San Jose Del Monte Bulacan noong Martes.

Sinabi ni VACC President Boy Evangelista, hangad din nila na makakuha ng katarungan si Dizon.

Katunayan anya , magbibigay ng libreng abogado ang VACC na siyang tatayong Private Prosecutor sa isasampang kaso sa mga suspek.


Paliwanag ni Evangelista na bukod sa libreng abogado, magbibigay din ng pinansyal na tulong ang VACC para sa burol at libing ng mga biktima ng masaker.

Facebook Comments