Lalaki natagpuang duguan sa Narciso Ramos Highway

Dead on arrival sa isang pagamutan sa lungsod ng Cotabato dakong 4:10 ng hapon kahapon ang isang lalaking biktima ng pamamaril sa bayan ng Matanog Maguindanao.

Kinilala ang biktima na si Manap Ladsikan, 27 gulang may asawa at residente ng Barangay Mapayal ng nasabing bayan.

Ayon sa salayasay ng kapitbahay nitong si Emil Bakar, pauwi sila ng kanyang mga kasamahan sakay ng kanyang Multicab galing Matling LDS ng may nadaanan silang isang lalaking dugoan na nakahandusay sa Matanog Highway.


Agad naman nilang isinakay at pinaharurot ang ang muticab upang madala sa hospital ang duguang biktima at sinubukan pang sagipin ng mga attending medical staff ngunit huli na ang lahat.

Nagpapatuloy pa ang ginagawang imbestigasyon kaugnay sa shooting incident na kinasasangkutan ng biktima. ( Mubarak Lauban)

Facebook Comments