Maguindanao Massacre Suspek Arestado

Himas rehas ngayon sa jail facility ng CIDG ARMM ang isang lalaking nahaharap sa 56 counts sa kasong murder at isinasangkot sa Maguindanao Massacre.

Kinilala ni CIDG ARMM Director James Logan ang nahuling suspek na si Tho Amino. Naaresto si Amino sa check point sa Brgy. Dalumangcob Sultan Kudarat pasado alas 4 noong January 20.

Naging posible ang pagkakahuli sa suspek sa pamamagitan ng pinagsanib na pwersa ng CIDG ARMM, RID , PIB at SK MPS.


Facebook Comments